A realization, resolution and reflection

I’ve been posting much of my poems lately that I think it wouldn’t bother if I post something else. Its a write-up I did after knowing some unpleasant news of college crush, its written in my mother language. What I hope is that I find other Filipinos here in WordPress (especially girls), and I hope they like this as much as I liked writing it that I almost sound like a radio personality giving love advice. Well, here it is:

  • Realization: Bakit hindi na lang kaya pwedeng yung mga boyfriend binibili na lang? Diba? Punta ka ng mall o kahit saang pwedeng bilihan at mag-eenjoy ka na sa pinagpipilian mo. Kahit window shopping lang okay na. Kung gusto mo, merong stock para sayo , kung di ka makapili maghintay ng bagong labas, kung gusto mong maiba naman mag-order online, kung nagtitipid, bumili kapag sale, o kaya sa night market, sa palengke, kung talagang may pera bumili nung limited edition, haha. Kung iisipin mo pang mabuti ang ideyang pumasok sa isip ko, bumili ka ng mga naka-package, kagaya ng sulit pack, pag mayaman collector’s box, o kaya yung 2+1 free, lima o anim yung laman, diba, parang pabango lang, araw-araw iba boyfriend mo, mapipili mo kung sino ang kasama mo depende sa mood mo. At eto pa, kung ayaw mo na edi bumili na lang ng bago, i-dispose mo na lang  ng maayos yung dati at ganun lang kadali ang break-up, at susunod dyan, madali na rin ang moving on, getting over stage at starting over with someone new.     Pero sa bawat bagay na pinadali, may kaakibat na epekto. Kung wala na ang mga bagay na binanggit ko, wala na rin ang sweet recociliation pagkatapos mag-away, wala ng kilig moments/awkward moments/pasimple, chancing, diskarte moments. Kung walang away sa isang relasyon, wala na ring sorry hug/kiss, kung di ka nadapa, di ka tatayo ng mas malakas, kung di ka natalo, di ka na mag-pupursige.
  • Resolution: Sa mga bagay na gusto nating mangyari, hindi lahat natutupad, si God ang nagdedesisyon, at laging mas maganda ang gusto ni God para sa atin. Sa mga na-basted, tanggapin nyo na, sa araw-araw gawin mong masaya ang isang tao, kahit sa sarili mo lang. At para sa mga nam-basted, wehh? yan na talaga desisyon mo teh? Haha. Para sa mga nasa relasyon, respetuhin at magtiwala sa isa’t-isa, ok? Wag mag-LQ ng wagas. Para sa mga broken-hearted, kakahiwalay, at kahit sa mga may love-nat, ikaw ang may hawak ng buhay mo, hindi siya, at lalong hindi kayo, dahil wala na nga kayo diba? Pinanganak ka para mabuhay , wag mong patayin ang sarili mo sa nakaraan. And lastly, para sa mga naiinip kagaya ko, darating at darting din siya, kapag dumating na siya spakin natin dahil nagpalaboy-laboy muna, o diba, mas maganda kaysa sa “ang tagal kong naghintay para magkaroon ng kagay mo”. Pina-iikot tayo ng pagmamahal, huwag mong sabihin sa sarili mong walang nagmamahal sayo, dahil mayroong nagmahal sayo ng sobra at namatay sa krus.
  • Reflection: Marahil masyado tayong ”obsessed” sa mga “lovelife” natin pero sa totoo lang, lagi tayong may lovelife dahil 24/7 tayong pinapakitaan ng pagmamahal ni God. Sa lahat ng mangyayari sa ating buhay, ika nga, don’t watch the clock, do what it does, keep moving.
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Blog Stats

  • 1,317 hits
%d bloggers like this: